top of page
Featured Posts
Recent Posts

OPEN FORUM


Pinulong ni Pangulong Mayor Joseph Ejercito Estrada ang mga stall holders ng Quinta Market kamakailan para sa isang open forum kung saan ipinaliwanag din niya sa mga ito na ang pagpapa-ganda sa palengke ay isang joint venture at hindi privatization tulad ng pinalalabas ng iba. Iginiit ni Mayor Estrada na hindi ipinagbili ang Quinta Market at layunin lamang ng lokal na pamahalaan na pagandahin at ayusin ang nabubulok na istraktura nito. Tuwang tuwa ang mga stall holders nang isa-isang pirmahan ng alkalde ang kanilang mga guarantee letters, patunay na muli silang makapag-titinda sa Quinta Market sa sandaling ito'y naisa-ayos at nabuksan nang muli.


bottom of page